Welcome to my mind



im gonna start writing some stuff and ill post it here

Cleopatra 2000

nung isilang ka sa mundong ito..laking gulat ng magulang mo...nang makita ang...ilong mo. pero sabi ng magulang mo "tatangos din yan sanggol pa kasi eh." ngunit nakaraan na ang ilang taon at lumaki ka na at ang ilong mo eh parang di lumalaki. waepek yung mga papisil-pisil nila sa ilong mo nung sanggol ka pa.

at nang tumanda ka na walang lalaking lumalapit sayo. sino ba naman ang maglalakas loob na yayain ang bakulaw na katulad mo. naggraduate ka na ng highschool at nasa kolehiyo na. hindi ka parin nagkaka boyfriend. sinubukan mo nang makipagchat sa internet. but everytime na nagsesend ka ng picture mo eh bigla nalang silang naglo-log off. di mo tuloy malaman kung natatanggap nila yung pic or nasisira lang yung computer nila dahil hindi maprocess yung picture mo. nagcheck ka na rin ng website na nagno-noselift. grabe namahalan ka..di mo kayang bayaran. sinubukan mo na lahat ng paraan para makadenggoy ng lalaki pero walang gumana. isang gabi, sakakaisip mo, di mo namalayang alas 3 na ng madaling araw. at biglanarinig mo sa tv "do you have a flat nose? are you sick of being made fun of because your flat nose? well we can help you with the new CLEOPATRA 2000!!!" (for those of you who doesnt know what it is..its the black spring contraption you put in your nose..yes i mean INSIDE your nose...to make look errr...less flat). nanlaki ang mata mo at napasigaw na "YES!!!" finally your prayers have been answered! lalo kang napasigaw ng marinig mo na ang price niya eh -tyninetynine pesosesoses ah ewan basta it comes with 4 easypayments naman eh at mas mura pa ang singhil sa bumbay na inutangan mo. so not waiting any second go to waste you called their phone number and ordered one..but wait there's more! dahil umorder ka ng maaga eh may libre ka pang isang set! o diba! para sakaling tubuan ka pa ng ilong sa ibang parte ng mukha mo eh mapapatangos mo rin!

after three weeks of waiting that seemed like forever finally, dumating din ang maliit na package na naglalaman ng iyong future. agad agad mo itong binuksan at sinubukan sa harap ng salamin. aba! looking gud!!! na-realize mo na may ilong ka pala! nakatago lang! so dali dali kang tumawag sa mga amiga mo para yayain silang lumabas. at siyempre dahil sa newly found ego mo eh yinaya mo sila sa maganda at malaking, pinakasossing club sa sa kanto! yung katabi ng Karinderia ni Aling Bebay. so lumakad ka papunta sa club. pilit mong tinataas ang noo para irampa yang bago mong ilong. tuwing tuwa ka dahil lahat ng lalaking daanan mo eh napapalingon sayo. di mo lang alam ang akala nila eh nabali na yang leeg mo dahil sa kakataas mo ng iyoung noo...but it never crossed your mind dahil ang akala mo ay "Da Bomb" ka!

pagdating sa club, sinabi ng mga kaibigan mo na gumanda ka. feeling beauty ka kaya humarang ka sa gitna ng dance floor at nagsasasayaw. sige lang ang hataw. may lalaking lumapit sayo at nakipagsayaw. kinilig ka naman dahil sa kagwapuhan ng lalaki. sabi mo eh kahawig siya ni Brad Pitt. pero dahil nakainom ka, di mo namalayang kamukha siya ni brother pit sa bubble gang. di mo rin naaamoy ang kanyang armpit kasi may amats ka na. after magsayaw eh yinaya ka niyang kumain sa Karinderia ni Aling Bebay. di ka pumayag dahil hindi sossy yun so yinaya mo nalang siyang kumain sa Kikay's Kitchenette sa kabilang kanto. enjoy na enjoy kayong nagkwentuhan....napansin mong medyo matabang yung adobong kinakain mo kaya linagyan mo ng kaunting paminta. naamoy mo yung paminta at bigla kang nabahing. "ACHOO!!!" hindi mo napansin na tumalsik ang isang Cleopatra spring sa dinuguan na kinakain ng date mo! at di rin nakita ng date mo dahil para siyang baboy kung kumain at di manlang nginunguya ang kanyang pagkain. bigla nalang nasamid ang date mo. nabulunan siya at halos mamatay sa kakaubo at ng tumigil eh linuwa niya ang spring na galing sa ilong mo. "ano to?!?" tanong niya sayo. pagtingin niya sayo ay sabay na itinanong "anong nangyari sa ilong mo?" lumingon ka sa salamin sa likod mo at nakita mo na lopsided ang ilong mo. ang isang side eh matangos at isa ay pango. sa gulat mo ay napahinga ka ng malalim at pumasok ang nagiisang Cleopatra spring sa pinakaloob-looban ng kaliwang butas ng ilong mo at ikaw naman ang umubo ng umubo. sa takot ng date mo ay napatakbo siya at iniwan ka. pilit mo siyang hinabol palabas ngunit di ka makapagsalita dahil dahak ka ng dahak at di mo mapigilan hanggang sa nagcolapse ka sa sa kalye. buti nalang at may taong naawa sayo at tumawag ng ambulansiya. ngunit isang oras ka nang nangingisay sa kalye at wala pa ring ang ambulansiya. and finally umubo ka ng pagkalakaslakas at naalis din ang cleopatra spring sa ilong mo.

"hay buhay! sayang ang isang set ng springs. buti nalang ay meron pa kong isang set" sabi mo sa sarili habang naglalakad pauwi.




home - Profile - e-mail- guestbook